Skip to main content
Province of Isabela EN FIL ILO

Speaker Dy: Mga magsasaka, ugat ng kaunlaran ng Isabela

January 23, 2026 Public Information Office
Binigyang-diin ni House Speaker Dy Bojie Dy ang mahalagang papel ng mga magsasaka sa kaunlaran ng lalawigan ng Isabela sa pagdiriwang ng Bambanti Festival 2026.
Sa kanyang talumpati sa Isabela Sports Complex, nagbigay siya ng pagpupugay sa mga masisipag na magsasaka ng Isabela na, ayon sa kanya, ay patuloy na nagsisilbing haligi ng ekonomiya ng lalawigan.
Nagpasalamat din siya sa mga mamamayan ng Isabela na patuloy na sumusuporta sa sektor ng agrikultura, dahilan upang makilala hindi lamang ang Bambanti Festival kundi ang lalawigan bilang sentro ng produksyon ng bigas at iba pang produktong agrikultural.
Kinilala rin ni Speaker Dy ang pamumuno ni Governor Rodito T. Albano, na aniya’y patuloy na nagbibigay ng suporta at mga programang nagpapalakas sa kabuhayan ng mga magsasaka sa lalawigan.
Tiniyak naman ni Speaker Dy ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na higit pang mapasigla at mapaunlad ang Isabela sa pamamagitan ng mga proyektong nakatuon sa agrikultura at kapakanan ng mga magsasaka. – Isabela PIO