Skip to main content
Province of Isabela EN FIL ILO

Pile driving, isinasagawa na sa Cabagan–Sta. Maria Bridge

January 27, 2026 Public Information Office
Patuloy ang 24/7 na konstruksyon ng bridge connector sa Span No. 3 ng Cabagan–Sta. Maria Bridge, kung saan kasalukuyang isinasagawa ang “pile driving,” o ang pagbaon ng steel pipe piles sa lupa bilang pundasyon ng tulay.
 
Gamit ang crane at iba pang heavy equipment, isa-isang binabaon ang malalaking bakal na tubo nang malalim upang maabot ang matibay na bahagi ng lupa na magsisilbing matatag na sandigan ng istruktura. – Isabela PIO